Sunday, September 9, 2007

The Art of Lying

Para sa tanang mamakak sa ilang parents para maka-kickback ug extrang kwarta panlaag...Enjoy!
Naipadala ko na 50 thousand pesos na tuition fee mo dahil pinagbili na namin mgakalabaw natin. Ang mahal pala ng kursong COUNTER STRIKE. Wala na din pala tayong baboy kasi naibenta na din para dun sa sinasabi mo na project nyo na NOKIA N95-ang mahal naman ng projectnayun. Kasama din ang 7 thousand dun para sa field trip nyo sa MALL OF ASIA. Anak, malayo ba yun? Mag-iingat ka sa pagbibiyahe mo. Isasanla pala namin ang palayan natin para mabili mo na yung instrumentong I-POD na kinakailangan mo sa laboratory nyo. Anak, komportable kaba diyan sa boarding house mo? Saan ba kamu yan sa VICTORIA COURT? Maganda ba dyan at di ba mainit diyan? Anak, kamusta na pala yung group project nyo na SANMIG LIGHT napailaw niyo na ba? Mataas ba nakuha niyo na grado dun. Anak, sana bago pa maubos ang lahat lahat ng ari-arian natin ay maka-gradweyt kana. Walong taon ba talaga ang kurso mo sa SECRETARIAL? Sana pag gradweyt mo, makakuha ka ng trabaho kaagad kagaya ng manager ng kumpanya para mabawi natin ang mga ari-arian natin sa sanglaan. Ay, siya nga pala anak, 'di ba sabi mo sa JOLLIBEE / MC DONALD ka palagi kumakain? Ok ba naman sayo ang mga ulam diyan? Baka hindi masarap? Kawawa ka naman. Eh yung school bus nyo na TAXI, sabihin mo sa driver mag ingat cya sapag dri-drive. Anak, hanggang dito nalang at sa susunod ay ipapadala ko sayo ang pera na pambili mo ng ALTIS na gagamitin mo sa VACANT SUBJECT mo.
Ang nagmamahal,
Itang at Inang
P.S. Anak mag-aral ka ng mabuti!
Note: These are excerpts from a text message sent to me by a friend.

2 comments:

Anonymous said...

nah crazy imbis mukataw ko noh?? nalagot man nuon ko ani nga entry oi.. bad au xa na anak., gi.ilad niya iyang parents,huhuhuhu luoy au.. dli baya saun mangita ug money..

crazed_heck said...

ana jud...pakonsensya gamay sa atong parents...one way or another we have done this...